MAAARING maitala ang inflation sa Agosto sa 4.8 hanggang 5.6 percent, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ng central bank na ang mas mataas na presyo ng bigas at iba pang agricultural products dahil sa mga bagyo ang posibleng magtulak sa pagtaas ng inflation.
Ayon pa sa BSP, ang pagtaas sa presyo ng langis at transport costs dahil sa mas mataas na pasahe sa tren at toll rates ay maaari ring mag-ambag sa pagbilis ng inflation. Ang paghina ng piso ay maaari ring magpataas sa presyo ng bilihin.
Gayunman, sinabi ng BSP na ang mas mababang singil sa koryente ay maaaring magpabagal sa inflation sa bansa.
Ang inflation ay bumagsak sa six-month low na 4.7 percent noong Hulyo.