CAMP AGUINALDO- NAKAKUHA ng 90% public satisfaction rating ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag-aaral at siyang pinakamataas sa hanay ng mga ahensiya ng gobyerno kaugnay sa kanilang pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay batay sa survey ng RLR Research and Analysis Inc., sa 1,275 household heads mula Metro Manila sa pamamagitan ng Computer-Assisted Telephone Interview mula Mayo 14 hanggang Hunyo 2.
Kabilang sa mga ahensiyang isinailaim sa pag-aaral ang Philippine National Police (PNP) na may (88%), ang Inter-agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (74%), Department of Health (68%), Department of Social Welfare and Development (59%), at Department of Labor and Employment (45%).
Ang Joint Task Force-National Capital Region ang nangungunang yunit ng AFP sa pagtugon sa COVID-19 sa Metro Manila kung saan tumatak ang 70,000 individual na napagkalooban ng free hot meals sa pamamagitan ng AFP’s Mobile Kitchen na naglilibot sa buong Metro Ma-nila simula pa noong April 20.
Nasa 2,400 locally stranded individuals ang natulungan na makauwi sa kanilang mga lalawigan sa pamamagitan ng AFP’s Tulong Uwi program at pinakahuli ang paghahatid ng Philippine Navy ng mahigit sa 400 locally stranded individuals (LSIs) .
Habang mahigit sa 1.2-million pounds ng cargo ang na-airlift sa tulong ng Philippine Air Force habang 441 tonelada naman ang naihatid ng Philippine Navy. VERLIN RUIZ
Comments are closed.