TARGET ng United Arab Emirates (UAE) na makamit ang fivefold increase sa trade and investments sa Pilipinas sa loob ng tatlo hanggang limang taon sa sandaling ipatupad ang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA), ang free trade agreement sa pagitan ng Manila at Abu Dhabi.
Nakipagpulong si visiting Minister of State of Foreign Trade of the UAE, Dr. Thani bin Ahmed Al Zeyoudi, sa mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Biyernes upang isapinal ang Terms of Reference (TOR) ng CEPA, na siyang scoping stage ng free trade agreement (FTA).
Sinabi ni DTI Undersecretary Allan Gepty, ang lead negotiator ng bansa para sa FTAs, sa Philippine News Agency na ilulunsad ang formal negotiations sa CEPA matapos ang signing ng TOR.
Sa sidelines ng UAE-Philippines Business Forum sa Taguig City noong Biyernes, sinabi nina DTI Secretary Alfredo Pascual at Al Zeyoudi na target ng magkabilang panig na lagdaan ang TOR sa pagbisita ng Philippine delegation sa Dubai para sa 2023 United Nations Climate Change Conference 28th meeting ng Conference of Parties (COP 28) sa susunod na linggo.
Ang Philippine delegation sa COP 28 sa Dubai ay pangungunahan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr.
“We want to grow five times the current (trade and investment) numbers in a few years, maybe three to five years. If that’s not going to be achieved, we’re not performing those agreements,” sabi ni Al Zeyoudi.
“Because at the end of the day, those agreements are going to bring more many opportunities for SMEs (small and medium enterprises), traders, investors, industries, and we want to see huge numbers and outcomes from those discussions.”
Aniya, noong 2022, ang non-oil trade sa pagitan ng UAE at Pilipinas ay lumago ng higit sa doble sa USD1.9 billion.
“In the first half of 2023, we have seen that figure continue to grow, with non-oil trade maybe to increase by 20 percent in the whole year,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Al Zeyoudi na umaasa ang UAE na makita ang mas maraming Filipino products sa merkado nito sa pamamagitan ng CEPA.
Ang CEPA ang FTA ng bansa sa Middle East.
(PNA)