NAGLAAN ang administrasyong Marcos ng P118.5 billion para sa social protection programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2024.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang proposed allocation para sa promotive programs ng DSWD ay bumubuo sa mahigit kalahati ng kabuuang budget ng ahensiya na P209.9 billion.
“From the DSWD’s total budget, PHP118.5 or 56.46 percent, is set aside for the agency’s Promotive Programs.
Promotive Programs are the strategic grouping of DSWD flagship social protection projects to help reduce poverty through conditional cash transfer, community-driven development and sustainable livelihood,” anang DBM.
Sinabi ng DBM na P112.84 billion sa P118.5 billion ay ilalaan sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), habang ang nalalabing P5.6 billion ay mapupunta sa Sustainable Livelihood Program.
Ang kasalukuyang layunin ng administrasyon ay ang mapababa ang poverty rate sa single digit o 9 percent sa 2028.
Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program, ang DSWD ay tatanggap ng budget na P209.9 billion, mas mataas ng 5.22 percent o P10.4 billion kumpara sa P199.5 billion allocation sa 2023 General Appropriations Act.
Ayon sa DBM, nasa P76.2 billion ang gagamitin para sa protective programs ng DSWD sa 2024.
Ang protective programs ng DSWD ay ang strategic grouping ng sector-focused social welfare programs at services at ng disaster response office.
“These programs serve DSWD’s primary clients – the poor and vulnerable groups and communities that are given the means to improve their lot,” ayon sa DBM.
Sinabi ng DBM na P20 billion ang ilalaan para sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances; P49.8 billion sa Social Pension for Indigent Senior Citizens; P10.7 million sa Assistance to Persons with Disability; P23.8 million sa Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons; PHP51.2 million sa Services to Displaced Persons (Deportees); at PHP4.1 billion para sa Supplementary Feeding Program.
Nasa P1.9 billion naman ang ilalaan sa Disaster Response and Rehabilitation Program, habang P1.3 billion ang gagamitin sa hiwalay na Quick Response Fund.
Samantala, tatanggap naman ang DBM Philippine Food STAMP (Strategic Transfer and Alternative Measures Program) ng DSWD ng P1.9 billion.
Nasa P1.2 billion ang gagamitin para sa Social Welfare and Development Technical Assistance and Resource Augmentation Program ng ahensiya, habang P71.8 million ang ilalaan para sa Social Welfare and Development Agencies Regulatory Program.
-(PNA)