(Sa second quarter) BUSINESS CONFIDENCE HUMINA

Redentor Paolo Alegre Jr

BUMABA ang kumpiyansa ng mga negosyo sa second quarter ng taon, ayon sa  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Business Expectations Survey.

Sinabi ni Redentor Paolo Alegre, Jr., senior director ng BSP Department of Economic Statistics, na ang overall confidence index of businesses mula Abril hanggang Hunyo ay bumaba sa 1.4 percent mula 17.4 percent  sa first quarter ng taon.

“If we compare the Philippine sentiment with other countries, we are similar to businesses in the United States, Bulgaria, Chile, and China. Their businesses there were less optimistic,” ani Alegre.

Aniya, bumaba ang business confidence sa second quarter ng taon dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, muling pagpapatupad ng mas mahigpit na community quarantine sa National Capital Region (NCR) Plus — Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — at pagbilis ng inflation.

Ang trend na ito ay magpapatuloy, aniya, sa third quarter at sa susunod na 12 buwan.

Lumitaw sa survey na sa hanay ng mga sektor, tanging ang construction sector ang mataas ang kumpiyansa sa mga darating na buwan.

“In the construction sector, we see that the sector turned optimistic. And the reason given was because of the expect(ed) increase in volume, in activity of infrastructure projects due to the ‘Build, Build, Build’ program of the government,” ani Alegre

Samantala, mas mababa ang kumpiyansa ng ibang mga sektor dahil sa pagkabahala sa COVID-19, pagpapatupad ng mas mahigpit na community quarantine, at sa mabagal na pagdating ng mga bakuna.

Tinukoy rin ng ibang mga sektor ang African swine fever outbreak, pagbaba ng milling production, power generation, limitadong public transportation, pagbaba sa exports, at paghina ng macroeconomic fundamentals na nakaapekto sa kanilang business expectations sa mga dara­ting na buwan. PNA

8 thoughts on “(Sa second quarter) BUSINESS CONFIDENCE HUMINA”

Comments are closed.