(Sa susunod na 12 buwan) 48% NG PINOYS KUMPIYANSANG BUBUTI ANG BUHAY

NASA 48 porsiyento ng mga Pinoy ang tiwalang bubuti ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas din sa survey na isinagawa mula September 28 hanggang October 1, 2023 na  4 porsiyento ng respondents ang naniniwalang hindi magbabago ang kalidad ng kanilang buhay, habang 6 porsiyento ang nagsabing lalala ito.

Ang nalalabing 7 porsiyento ay hindi nagbigay ng kasagutan.

Ang net personal optimism score ay +42, na klinasipika ng SWS bilang “excellent”.

Sinabi ng pollster na ang  1-point rise sa latest net personal optimism score mula sa +41 noong June 2023 ay dahil sa pagtaas sa Balance Luzon at  Mindanao, kasama ang pagbaba sa Metro Manila at Visayas.

Ayon sa SWS, ang latest net optimism score ay mas mababa ng 6 points kumpara sa  “excellent” +44 na naitala noong  December 2022. Ang 6-point drop ay dahil sa pagbaba sa lahat ng lugar.

Kumpara noong June 2023, ang optimism ay tumaas ng 6 points mula  +44 sa +50 sa Balance Luzon, at tumaas ng 7 points mula +36 sa +43 sa Mindanao.

Samantala, ang optimism ay bumaba ng  11 points mula  +41 sa +30 sa Metro Manila, at bumaba ng 9 points mula  +39 sa +30.

Ang survey ay isinagawa gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buong bansa. May  sampling error margins ito na ±2.8 percent para sa national percentages, tig- ±5.7 percent  sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.                  (PNA)