UMABOT sa P1.14 trillion ang budget deficit ng bansa sa unang tatlong quarters ng taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Ito ay mas mataas ng 29.6 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, subalit mas mababa pa rin ng 20.1 percent kumpara sa P1.4-trillion adjusted year-to-date target.
Sa datos ng BTr, mula Enero hanggang Setyembre, ang pamahalaan ay nakakolekta ng P2.24 trillion na revenues ngunit gumasta ng P3.38 trillion.
Sa buwan lamang ng Setyembre, ang budget gap ay lumobo sa P180.9 billion mula sa P138.5 billion noong nakaraang taon.
Ang nalikom na revenues para sa Setyembre ay umabot sa P231.4 billion, mas mataas ng 8.96 percent kumpara sa nakolekta sa kahalintulad na panahon noong 2020.
Gayunman, ang paggasta sa nasabing buwan ay tumaas sa P412.4 billion, tumaas ng 17.5 percent mula sa P350.9 billion noong nakaraang taon.
Patuloy sa pag-utang ang pamahalaan para matustusan ang COVID-19 response at massive infrastructure program nito.
Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na inaasahang mangungutang ang gobyerno ng P3 trillion ngayong taon at P2.25 trillion sa 2022.
427131 432452Id must talk with you here. Which is not some thing I do! I spend time reading an article that could get people to feel. Also, appreciate your allowing me to comment! 787557
234766 979863Hey! Excellent stuff, do tell us when you finally post something like this! 364945
555063 879162Hi there! I could have sworn Ive been to this web site before but right after reading through some with the post I realized it is new to me. Anyhow, Im definitely glad I discovered it and Ill be book-marking and checking back often! 733146
241596 489109You should participate in a contest for among the very best blogs on the web. I will recommend this internet site! 700945