(Sa wakas) MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ KASAL NA

MEGAN Young and Mikael Daez got married last January 25, 2020.sizzling bits

Their intimate wedding was held in San Roque Chapel in Subic, Zambales, where some of their intimate friends and family members were in attendance.

Looking back, it was in 2017 when Mikael confirmed his romantic relationship with Miss World 2013 Megan Young.

“I’ve been with Megan Young for six years and first time kong inaamin iyan,” Michael announced in one of the presscons for his soap Legally Blind.

After that, were a series of travel adventures but getting married, it appeared, was not in their plans yet.

Last January 6 was a red letter day for both Michael and Megan for they celebrated that day their ninth anniversary as a couple.

JANELLA SALVADOR ANG BILIS NAGPALIT NG BOYPREN

HINDI pa man nabigyan ng kaukulang paglilinaw ang kanyang romansa supposedly kay Markus Patterson, heto at lumilikha na ng ingay ang naglalagablab na tsikang sila na raw ni Joshua Garcia sa ngayon.

Shocking! Etchos! Hahahahaha!

Looking back, pinagpiyestahan talaga ang extra sweetness sa isa’t isa nina Markus at Janella. Madalas silang nakikitang magkasama at ang tsika, ap-roved naman daw ang maderaketch ni Janella. But then, nang simulang gawin ni Janelala ang “The Killer Bride” kung saan pinag-usapan talaga ang tandem nila ni Joshua Garcia, parang nawala sa eksena si Markus, for obvious reason. For obvious reason daw talaga, o! Hahahaha!

Pero tapos na ang seryeng The Killer Bride, sina Janella at Joshua pa rin ang laman ng mga gossip columns.

Why is that so?

Ang sabi nga niyan, picture speaks louder than words. Sight na sight sa social media ang sweetness nilang dalawa na ikinaimbiyerna supposedly ni Julia Barretto, rason para kanyang i-unfollow ang dalawa.

Pinag-uusapan rin ang pagiging match-maker ni Maja Salvador na siyang naging daan ‘di umano para mabuo ang relasyon ng dalawa.

Kawawang Markus. Biktima ng mapaglarong k-ps, este, pag-ibig pala. Hahahahaha!

EJAY FALCON PAG-AARAL, HINDI PULITIKA ANG PRIORITY

NAGPALIGA raw si Ejay Falcon kasama ang mga dati niyang kaibigan at classmates, at nagbigay-saya sa mga senior citizen.

So far, he’s been doing this for the past ten years.

So ngayon, may ilang pulitiko nga raw na kumukumbinse sa kanyang pasukin ang politika. But that is not a part of his plan.

“Nakatutuwa lang po na nagsi-share ka ng blessings sa mga dati mong kaibigan, mga kalaro nu’ng bata ka, kababayan mo, lalo na ngayong magka-kasunod na naapektuhan ang kabuhayan nila roon dahil sa mga bagyong nangyari.

“Tulong lang po talaga. Iyan lang po talaga sa buhay natin, hindi lahat ng tulong ay may kapalit, e. Hindi ko po talaga naiisip iyan.

“Sa trabaho ko na lang po sa showbiz ako mag-focus.”

Imbes na pasukin ang politika, mas priority raw ni Ejay na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

Iniisip raw niyang pagkatapos ng Sandugo, pagbalik naman sa college ang kanyang aasikasuhin.

“Gusto ko po sana siyang ituloy. Siguro ayusin ko muna ang schedule pagkatapos ng Sandugo. Gusto ko pong subukan na matuloy ang pag-aaral,” he said sounding optimistic.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasaabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.