(Sakay ng barkong tinamaan ng malakas na bagyo sa South Africa) 18 SEAFARERS BALIK-PINAS NA

NASA 18 Filipino seafarers ang ligtas na nakauwi ng bansa lulan ng magkakasunod na Flight ng Qatar airways flight QR932 at QR938 na lumapag sa NAIA Terminal 3.

Ayon sa OWWA, ang mga tripulante Pinoy ay sakay ng Panama-registered general cargo ship, Ultra Galaxy na lumikas mula sa kanilang barko dahil sa malakas na bagyo malapit sa baybayin ng South Africa.

Ang nasabing bansa ay kasalukuyang tinatamaan ng sunod-sunod na malalakas na bagyo na nagdudulot ng malawakang pinsala kung saan napilitang magpalit ng ruta ang mga barko.

Samantala, sa kanilang pagdating sa NAIA ay inalalayan sila ng OWWA Airport Team at binigyan ng transportation assistance para makauwi sa kanilang mga probinsya. CRISPIN RIZAL