Malimit na ang sakit ng tiyan, bilang isang sintomas ng sakit, ang iba sa atin ay binabalewala ito at hi-nahayaan na lamang. Ngunit ang hindi alam ng karamihan ay maaaring ito na pala ay sanhi ng ma-lubhang karamdaman na minsan kinakailangan ng operasyon at maaaring hindi na makuha sa pag-inom ng gamot at pahinga.
Sakit ng tiyan, saan nga ba ito nagmumula? Ito ay nagmumula sa pamamaga ng mga organ sa ating ti-yan, simula sa muscle hanggang sa lamanloob tulad ng bituka, apdo, lapay, appendix at maging ang ma-laking ugat na tinatawag nating Abdominal Aorta. Ang pamamaga ay maaaring dulot ng impeksiyon, baradong organ at injury kung mayroong history ng aksidente o trauma.
Ang pananakit ng tiyan ay maaring isang Medical Abdomen o ‘yung mga sakit na nagagamot lamang sa pag-inom ng gamot. Mayroon din namang tinatawag na Surgical Abdomen o ‘yung mga sakit na kina-kailangan na ng operasyon bilang lunas.
Kung ang sakit ng tiyan ay tuloy-tuloy at progresibo na ang pananakit, maaring ito ay isang Surgical Ab-domen. Kung ito naman ay may kasamang pagtatae, lagnat, pananakit ng sikmura na nawawala kapag kumakain, maaaring ito ay sanhi ng isang Medical Abdomen na puwede pang makuha sa pag-inom ng gamot.
Napakalaki ng impormasyong mabibigay ng síntomas ng sakit ng tiyan para malaman ang sanhi nito. Iwasan ang mag-self medícate lalo na ang pag-inom ng gamot na nakaaalis ng sakit ng tiyan dahil kung ito ay surgical abdomen at hindi nalaman kaagad, maaaring maging sanhi ito ng pagkamatay. Mas mainam na magpakonsulta sa doctor kung ang pananakit ng tiyan ay tuloy-tuloy at hindi nawawala.
Kung may katanungan, huwag pong mag-atubili na mag-send sa email na [email protected]
Comments are closed.