sakripisyo ay ‘di alintana
basta’t buhay ay ‘di mapariwara
umaga’y ginagawang gabi
maibigay lamang ang ikabubuti
kaya ina, salamat sa iyo
sa patuloy na sakripisyo
at sa walang humpay
na pagmamahal at gabay.
Bakit nga ba tayo nandirito? Bakit nga ba natin nararanasan ang ligaya at lungkot. Iyan ay dahil sa ating mga Nanay. Mga Nanay na walang humpay na pag-ibig ang pinadarama sa atin. Paulit-ulit man tayong magkamali, nariyan sila at paulit-ulit din tayong pinatatawad.
Hindi man naging pare-pareho ang karanasan ng bawat anak. May ilan mang hindi naging malapit sa ina. O sabihin man nating hindi naiparamdam sa kanila ng kanilang ina ang maging isang ‘ina’, nararapat pa ring magpasalamat tayo sa kanila. Dahil kung hindi sa kanila, hindi natin masisilayan ang kalu-walhatian ng mundo. Hindi natin mararanasan ang lumigaya at ang masaktan.
Napakadakila ng ating mga ina. Nasa sinapupunan pa lamang tayo ay nagsakripisyo na sila. Hindi pa tayo nailuluwal ay ipinaramdam na nila sa atin ang laksa-laksang pagmamahal. At ngayong Mother’s Day, batiin natin sila. Magpasalamat tayo sa kanila. Iparamdam din natin ang laksa-laksa at umaapaw nating pag-ibig para sa kanila.
Happy Mother’s Day sa lahat ng mga kagaya kong Nanay!
Comments are closed.