SANTINO ROSALES BATANG NEGOSYANTE

Twenty four years old na pala si Santino Rosales, anak ni Jericho Rosales.

Kitang kita naman dito ang kagwapuhan ng ama, pero gumawa siya ng pangalan ng mag-isa. Ikaw ba naman ang magkaroon ng ganyan kagwapong mukha, plus height na 6’0, laban pa kayo? No wonder he is doing quite well in the world of modeling.

Yes, modelling lang po muna. Dinig namin, ayaw yata ni Jericho na mapabayaan ni Santino ang pag-aaral. Gusto niya, magtapos muna sa pag-aaral ang anak bago sumabak sa kung anumang gusto niya. Besides, hindi yata masyadong interesado si Santino sa showbiz.

Anak ni Jericho si Santino sa kanyang ex-flame na si Kai Palomares na dati ring model. Naghiwalay na sila ni Jericho pero may joint-custody sila kaya masasabing lumaki pa rin si Santino sa pagmamahal.

Mas tinatahak ni Santino ang footsteps ng kanyang ina sa modeling scene habang ini-enjoy naman niya ang mga hobbies at interests ng kanyang ama.

Pero pwedeng pwede talaga siyang maging heartthrob and more. Aba, imposible namang hindi niya namana ang husay ni Jericho sa acting! In the first place, malapit sila sa isa’t isa kahit si Kai ang nagpalaki sa kanya.

Surfing ang bonding nina Santino at Jericho pero naglalaro rin siya ng football mula pa noong high school siya sa Colegio de San Agustin. Naglalaro siya ngayon para sa Davao Aguilas Football Club Team.

Maraming nagkaka-crush kay Santino pero si Liza Soberano raw ang kanyang ultimate celebrity crush.

Year 2017 pumasok si Santino sa modelling career matapos maging co­ver ng Garage magazine.

Kung tutuusin, pwede ring manahin ni Santino ang titulo ni Jericho na hunk! Actually, hindi nga sila mukhang mag-ama. Parang magkapatid lang.

Sinamantala ni Santino Ang pagkakataong magbukas ng negosyo noong panahon ng COVID-19 crisis. Nagbukas siya ng restaurant kasosyo si Kai noong 19 years old pa lang siya. Nag-venture siya sa food business na tinawag nilang Kaisaint: Skews and Brews sa Pa­rañaque City. Yes, hindi po Kuya J ang restaurant ni Santino. Endorser lang si Jericho ng Kuya J.

Anyway, maliit pa lang ang negosyo ni Santino dahil nag-aral pa siya at hindi pa niya ito gaanong matutukan, but who knows? Baka one day, mas sikat pa ito sa Kuya J.

Aniya sa kanyang Ins­tagram post: “It’s always been a big dream of mine to start a business early in life. I am proud to say that I took the leap and started my first business venture with my mum @kai_pal. Everyday, I think of how blessed I am to be able to have the opportunity to do this in my last year of being a teenager and to live the life I have.”

RLVN