Nanawagan si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ng sapat na pondo para sa mga gurong magsisilbing tagapagbantay sa 2025 midterm elections.
Sa Facebook post ni Abalos nitong Lunes, sinabi nito na dapat tiyakin ng Commision on Elections at Kongreso na mataas ang maibabayad sa mga gurong mamamahala sa proseso ng eleksyon.
“In recognition of their sacrifices and service to the nation, we must find a way to increase their honoraria and provide them with stronger legal and security protection during next year’s elections,” saad ni Abalos.
“This will be a big help to them as they deal with the rising cost of living. Sana bigyan natin ng prayoridad sa ating pambansang budget ang karagdagang benepisyo para sa ating mga guro na magsisilbi sa darating ng halalan,” dagdag pa nito.