SULU- ISANG kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Indanan.
Sa ulat ni AFP- Western Mindanao Command nasa combat patrol operation ang Philippine Army’s 41st Infantry Battalion nang makasagupa ang mga bandido alas-7:30 ng umaga.
Ayon kay Maj. Gen. Corleto Vinluan, commander ng Joint Task Force Sulu, na-rekober nila ang isang M16 rifle na mayroong nakakabit na M203.
Isang sundalo naman ang bahagyang nasugatan sa engkuwentro. VERLIN RUIZ
Comments are closed.