ZAMBOANGA CITY -SA KABILA na may umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) tuloy ang law enforcement operation ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa Sitio Palo-Palo, Brgy. Muti, Zamboanga City nahuli ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Kinilala ang ASG member na si Barri Happil, 40-anyos, na may kinakaharap na warrant of arrest dahil sa kasong illegal possession of explosive.
Si Happil ay tauhan ni ASG subleader Marzan Ajijul.
Sa ulat ng CIDG, naaresto ang ASG member sa isinagawang manhunt operation ng pulisya at militar sa Brgy. Muti, Zamboanga City.
Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG Region 9 ang nahuling abu sayyaf group member.
REA SARMIENTO
Comments are closed.