SB19 & A’TIN BRINGS HOPE AND LOVE IN TA-NAUAN, BATANGAS

SB19 & A’TIN

SHARING THE BLESSING

Hatid ang pag-asa at pagmamahal, magkatuwang na nagsagawa ng outreach program sa Banjo Laurel Elementary School sa Tanauan, Batangas ang pamunuan ng SB19—ang ShowBT at A’TIN fanbases: Luzon, Rizal at Batangas Chapter para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Nagsimula ang pamamahagi ng tulong Linggo ng umaga (Pebrero 2, 2020) kung saan halos 1,000 pamilya ang kanilang nabigyan ng relief goods, toiletries, face masks at ma­rami pang iba.

Kasama sa pamama­hagi ng tulong sina Robin “Tatang Robin” Geong, CEO ng ShowBT Korea; Charles Kim, CEO of ShowBT Philippines; Ade-laide “Hongganda” Hong, academy director; ang tatlo sa limang miyembro ng SB19 na sina John Paulo “Sejun” Nase, leader, Stellvester “Stell” Ajero, main vocalist, at Felip Jhon “Ken” Suson, main dancer; at ilan pang ShowBT staff at A’TIN admins.

Hindi nakasama sa relief operation sina Josh Cullen Santos, lead rapper, at Justin De Dios, visual, dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng tigdas. Sa kasalukuyan, nasa maayos na kondis­yon na ang dalawa.

Samantala, nag-trending naman sa Twitter nationwide ang kanilang hashtag na #SB19_SharingtheBlessing noong Linggo. AIMEE GRACE ANOC

Comments are closed.