Standings W L
*NU-Sta. Elena 4 0
*PGJC-Navy 4 1
*Cignal 4 1
VNS 2 3
Santa Rosa 1 4
Ateneo 1 4
Army 1 4
*semifinalist
Mga laro sa Martes:
(Paco Arena)
11:30 a.m. – PGJC-Navy vs Santa Rosa
2:30 p.m. – Army vs VNS
5:30 p.m. – NU-Sta. Elena vs Cignal
NAGBUHOS si Greg Dolor ng 17 points upang pangunahan ang PGJC-Navy sa 19-25, 25-18, 25-17, 25-21 panalo kontra VNS-One Alicia at sumalo sa ikalawang puwesto sa Spikers’ Turf Open Conference kahapon sa Paco Arena.
Nalusutan ng Sea Lions ang malamig na first set upang iposte ang ikatlong sunod na panalo — at ika-apat sa kabuuan sa limang laro.
Sumalo ang PGJC-Navy sa walang larong Cignal sa No. 2 sa likod ng NU-Sta. Elena at maaari pang magtapos sa ibabaw ng elimination round standings kapag tinalo nito ang Santa Rosa sa Martes.
Ang panalo laban sa Santa Rosa na sasamahan ng pagkatalo ng NU-Sta. Elena kontra Cignal ay magbibigay sa PGJC-Navy ng No. 1 ranking papasok sa semifinals.
“Ang sinasabi ko naman sa last game namin is i-maintain lang nila ang laro nila at tsaka walang pressure. Kung anong namang mangyari, pasok naman sila,” sabi ni PGJC-Navy coach Cecile Cruzada.
“Kasi may ini-aim kaming rank. Hangga’t kaya panalunin, ipu-push namin na panalunin ang last game,” dagdag pa niya.
Nagdagdag si Jao Umandal, ang leading scorer ng torneo, ng 16 points at 7 receptions, nagtala si Ronniel Rosales ng 11 points, habang hataw si Peter Quiel ng 4 blocks para tumapos na may 10 points para sa Sea Lions.
Ito ang ikatlong sunod na kabiguan ng Griffins matapos ang 2-0 simula.