LIMA pang gold medals ang nakolekta ng Team Philippines, dalawang araw bago ang pagtatapos ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Winasak ni Filipina weightlifter Vanessa Sarno ang kanyang sariling record sa snatch tungo sa pagkopo ng gold medal sa women’s 71kg weight class sa Olympic Complex sa Phnom Penh.
Unang na-clear ng 19-anyos na si Sarno, kagagaling lamang sa Asian Championships sa Jinju, Korea, kung saan siya nagwagi ng 3 silver medals, ang 105 lbs sa snatch sa kanyang third attempt, upang burahin ang kanyang sariling 104-
lb record na naitala noong nakaraang taon.
Pagkatapos ay bumuhat siya ng 120 sa kanyang unang attempt sa clean and jerk upang kunin ang kabuuang 225 para sa gold.
Matapos nito ay hindi na niya itinulak pa ang kanyang sarili, pinalagpas ang pagkakataon na wasakin ang kanyang sariling SEA Games records sa clean and jerk (135kg) at total lift (239kg).
“Kaya naming ituloy. Pero si Vanessa ay galing pa sa Asian Championship na Olympic qualifier. Mataas na ang level ng performance niya doon. Dito pababa. Ayaw namin siyang masira dito. Ang goal lang namin was to get the SEA Games’ gold,” sabi ni Tony Agustin, coach ni Sarno.
Dinomina nina Dexler Bolambao at Maria Ella Alcoseba ang kani-kanilang divisions sa arnis upang magbigay ng dalawa pang ginto sa bansa.
Ginapi ni Alcoseba si Myanmar’s Moe Moe Aye sa final ng women’s full contact livestick — bantamweight, 3-0.
Naitala niya ang 3-0 panalo kontra Vietnam’s Thi Yen Linh Nguyen sa semifinals.
Samantala, dinurog ni Bolambao si home bet Ty Prakponlue, 3-0, sa finals ng men’s full contact livestick — bantamweight.
Sa semis ay dinispatsa niya si Vietnam’s Van Phuong Pham, 3-0.
Pinatunayan ni 44-year-old Philippine wrestling team coach Maria Cristina Vergara na kalabaw lamang ang tumatanda.
Mula sa retirement ay humablot siya ng gold medal sa women’s under 65 kilogram freestyle wrestling tournament matapos na gapiin sina 19-year-old hometown bet Sambath Vanak at Laotian Sopha Thammavong, na nagkasya sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.
Ito na ang kanyang ikatlong gold sa biennial meet.
Ibinigay ni kickboxer Jean Claude Saclag ang ika-51 ginto ng Pilipinas nang pagharian ang men’s lowkick 63kg Samantala, nakopo ng Philippine Women’s national basketball team ang silver medal makaraang pataubin ang Malaysia, 77-63.
-CLYDE MARIANO