SEGURIDAD PINAIGTING NGAYONG KAPASKUHAN

pnp

LAGUNA – MAS pinaigting pa ng pamunuan ng Laguna PNP ang inilatag na seguridad ngayong kapaskuhan.

Alinsunod ito sa mahigpit na ipinatutupad na seguridad ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa buong bansa ngayong papalapit na ang Pasko para sa kapakanan ng maraming mamamayan.

Kasabay nito, inilunsad din ang Project P.N.P SINAS – Pito Ni Petalio: (Silbato Na Sasaklolo) para sa anti-criminality campaign project that focuses to address gender-based violence incidents.

“Makaasa po kayo na ang Laguna PNP ay patuloy na paiigtingin ang seguridad ng lalawigan lalu pa ngayong nalalapit na ang kapaskuhan,” ani P/Lt. Col. Chitadel Gaoiran, Chief of Police ng Sta. Cruz, Laguna.

“Hinihingi po namin ang suporta ng bawat mamamayan ng Laguna at pagtulungan po natin ang pagsugpo sa kriminalidad at sa iligal na droga ganun din ang laban sa pagkalat ng COVID-19,” anito.

Ayon kay Gaoiran, nagpatupad ng magkakahiwalay na Police Operations and Interventions si Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II nitong nakalipas na dalawang linggo.

Sa ipinalabas na talaan ni Gaoiran, magkakasunod na naaresto ng mga ito ang nasa 114 na katao na napapabilang sa most wanted persons and other wanted persons kabilang ang matagumpay na pagkakaaresto sa most wanted person ng region 2 for 10 counts of murder, 10 counts of attempted murder, rebellion, arson, and illegal possession of explosives and ammunition.

Sa kabuuan, 162 operations against illegal drugs, 190 suspects ang naaresto at pagkakumpiska sa 161, 391.2 gramo ng illegal drugs na umaabot sa halagang P1,122, 306.00

Sa tala naman ng Intensified Police Interventions, nagkasa ang mga ito ng 2,320 Checkpoints, Mobile Patrolling and Beat Patrolling sa loob ng 119,304 oras.

Bukod dito, nagkasa ang mga ito ng umaabot sa 2,491 na operation laban sa Criminality/Loose Firearms, Oplan Bakal/Sita, 302 Oplan Katok, 562 Oplan Galugad kasunod ang pagkakumpiska sa 1,137 na iba’t ibang uri ng kalibre na baril kabilang pagkakaaresto sa 227 na katao dahil sa paglabag sa Illegal Gambling o ang pagsusugal. DICK GARAY

Comments are closed.