ARESTADO ang isang security guard na sangkot umano sa ilegal na droga at wanted sa kasong rape sa Bulacan sa buy bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City, kahapon ng tanghali.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si Rodel Ponte, 30, ng 321 Rd., Lingahan, Malanday, ng lungsod.
Alas-11:30 ng tanghali nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) team sa pangunguna ni PSMS Roberto Santalillan, kasama sina PCpl Randy Canton, PCpl Redentor Rellesco, PCpl Marion Manalad, PCpl Jay Mark David at PCpl Reggie Dellosa ang buy bust operation kontra sa suspek sa Daang Gipit Lingahan, Malanday.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bintahan ng isang sachet ng shabu si PCpl Canton na nagpanggap na buyer kapalit ng P300 marked money. VICK TANES
Comments are closed.