SELF-CONFIDENCE NG PWD PINALAKAS NG TESDA

“My skills on Information and Network Cabling was sharpened by the competitions I joined.  After winning, I also received several work offers.”

Paglalahad ito ni Marvin Masaglang Ramos, medallist sa Information and Network  Cabling.  Siya’y gold medallist sa 2016 Regional Skills Competition (RSC)  na ginanap sa  General Santos City at  silver medallist sa 2017 Zonal  Skills Competitions (ZSC) na idinaos sa Korphil Training Center sa Davao City.

Marvin Masaglang Ramos
Marvin Masaglang Ramos

Si Marvin, 22,  ay persons  with disability (PWD), taga-General Santos City,  ipinanganak na may ‘bone deformities’ partikular sa kanyang kaliwang paa, subalit ang kanyang pisikal na kapansanan ay hindi naging hadlang upang harapin ang anumang hamon sa buhay upang mag-tagumpay.  Galing siya sa isang  broken family.  Grade 6 pa lamang siya nang iwanan sila ng kanilang papa,  na isang karpintero, kaya hirap ang kanyang mama, isang  part-time vendor,   sa pagtaguyod sa kanilang  apat na magkakapatid.  Pangarap n’ya ay maging ‘Civil Engineer.’

“Nalaman ko ang tungkol sa TESDA  noong high school pa ako.  Nag-enroll  ako sa technical-vocational (subject) sa aming paaralan,” ani Marvin.   Nagtapos ng high school sa  Ireneo L. Santiago National High School  of Metro Dadiangas noong 2013 na may kursong  Computer Hardware Servicing NC ll.

Ang nasabing skills ay kanyang ginamit upang pumasok ng mga partime jobs upang mapag-aral ang kanyang sarili hanggang makatapos ng kolehiyo at para matulungan ang kanyang ina sa mga gastusin. Siya’y  nagtrabaho bilang  layout artist, graphic designer, web developer, at iba pang odd jobs.  Nasubukan din niyang maging working student sa pinapasukang  school nang halos isang taon. Nakatapos siya  ng Bachelor of Science, Major in Computer Engineering sa Holy Trinity College (HTC) sa General Santos City kung saan siya ngayon nagtatrabaho bilang Instructor/Coach.

Upang higit na mapalawak ang kanyang kaalaman  sa piniling competency  at bilang competitor, kumuha pa ng TESDA courses si Marvin gaya ng   Computer Servicing (CS)  NC ll, Electronic Products Assembly and Servicing (EPAS)  NC ll, 2016 at  Computer System Servicing (CSS)  NC ll, 2018.

Pag-amin ni Marvin, ang malaking hamon na kanyang nararanasan sa  pakikipagkumpetisyon ay  ang kanyang pisikal na kalagayan.   “Minsan kailangan kong  ak­yatin ang  may  3 metrong taas upang maipakita ang aking  skills sa Information and Network Cabling.“Gasakit akong tiil, pero syempre gi-antos lang gud nako hantud mahuman,” (Sumasakit ang paa ko, pero siyempre tiniis ko lang hanggang matapos.)

Bilang dating competitor, nagko-coach din siya ng  kanyang mga estudyante na kalahok  sa mga regional skills competitions.“Gusto kong mag-ing isang master engineer sa aking field of specialization.  Sa ngayon, gusto kong mag-aral pa ng master degree sa aking field.”

“Para sa mga kabataan, subukan nilang mag-enroll sa TESDA, kasi makakatulong ito sa kanila upang mapabuti ang kanilang buhay.”

“Maraming salamat, TESDA. Sana mas palawigin pa nila ang kanilang advocacy para mas marami pang tulad ko ang kanilang matulungan na umunlad at maging inspirasyon sa iba.  Dahil sa tulong ng TESDA, marami pa ang  opportunities na darating sa kanilang  buhay.”

Comments are closed.