SEMIS TARGET NG BOLTS, KINGS

PBA

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Alaska vs Meralco

6:45 p.m. – Ginebra vs San Miguel

PUNTIRYA ng Me­ralco at Barangay Ginebra ang semifinals berth sa magkahiwalay na salpukan sa pagsisimula ng PBA Governors’ Cup quarterfinals ngayon sa Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Bolts ang Alaska Aces sa ­unang laro sa alas-4:30 ng hapon habang haharapin ng Gin Kings ang San Miguel Beermen sa main game sa alas-6:45 ng gabi.

Tangan ang twice-to-beat advantage, kaila­ngang lamang talunin ng Bolts at Kings ang kanila-kanilang katunggali para umabante sa susunod na round.

Sakaling manalo ang Alaska at SMB, gagawin ang do-or-die game sa Martes, Nob. 26, sa Big Dome.

Lamang ang Me­ralco sa Alaska dahil kumpleto sila sa tao at mas magaling ang kanilang import na si Allen Durham kumpara sa kanyang counterpart na si Franco House.

Sa kabila nito ay hindi dapat magkumpiyansa ang tropa ni coach Norman Black dahil may kakayahan ang Aces na baligtarin ang laro sa kanilang pabor tulad ng ginawa  nito sa league-leading NLEX Road Warriors na kanilang pinataob, 106-90, sa huling laro sa elimination round upang kunin ang huling quarterfinal slot.

Makakatuwang ni Durham sina Baser Amer, Chris Newsome, Jeff Hodge, Antonio Jose Caram, at John Pintor laban sa tropa ni  coach Jeff Cariaso na sina JV Casio, Vic Manuel, Simon Enciso, Kevin Racal at rookie Jasper Ayaay.

Hindi rin dapat magpabaya ang Barangay Ginebra dahil sa kabila na kulang sa tao ang San Miguel sa pagkawala nina Arwind Santos, Kelly Nabong at Ronald Tubid ay malakas pa rin ang Beermen.

Sina Santos, Nabong at Tubid ay pinatawan ng indefinite suspension ng SMB management dahil sa kanilang pagkakasangkot sa gulo sa praktis ng Beermen noong Nob. 17.

Inaasahang magi­ging kapana-panabik ang bakbakan sa frontline nina Gin Kings La Tenorio, Scottie Thompson, Stanley Pringle at Jeff Chan at Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Ross, Terrence Romeo at  twin towers Japeth Aguilar at Greg Slaughter ng Aces. CLYDE MARIANO

Comments are closed.