(September target nahigitan)P79.5-B NAKOLEKTA NG CUSTOMS

UMABOT sa P79.5 billion ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) noong September, mas mataas sa kanilang collection goal para sa naturang buwan.

Ayon sa BOC, nahigitan ng revenue collection noong nakaraang buwan ang target ng ahensiya na P17.6 billion o mas mataas ng 28.4%.

Year-on-year, ang koleksiyon noong September ay tumaas din ng 38.1%.

“With the stringent implementation of border control measures, Commissioner [Yogi Filemon] Ruiz continuously drives the Bureau to plug revenue leakages and strengthen the nation’s trade facilitation and revenue collection performance,” ayon sa Customs.

Ngayong taon, ang BOC ay nakakolekta na ng P638.7 billion, mas mataas ng 17.8% sa goal nito para sa January-September period at P168.9 billion o mas mataas ng 35.9% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.