HABANG patagal nang patagal ang laban ng ating bansa kontra COVID-19, tila pahirap din ito nang pahirap para sa ating mga healthcare frontliner. Ngayong kumakalat na sa Pilipinas ang mas mapangahas na Delta variant, muli na namang tumaas ang kaso ng COVID-19.
Sa katunayan, noong ika-28 ng Agosto ay naitala ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa loob lamang ng isang araw sa bilang na 19,441. Samantala, naitala naman ang pinakamataas na positivity rate sa antas na 27.9% noong ika-29 ng Agosto.
Hindi biro ang pinagdaraanan ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa mga ospital, at iba pang bumubuo ng healthcare system. Patuloy nilang isinusugal ang kanilang buhay dahil ito ang kanilang sinumpaang tungkulin katulad kung paano ang mga sundalo ay sumasabak sa giyera. Hindi man nila batid, napakalaki ng papel na kanilang ginagampanan sa pagsalba sa ating ekonomiya. Sa kanila nakasalalay ang kahahantungan ng bansa pagtapos ng pandemyang COVID-19.
Bilang kapalit, dapat lamang na siguruhin ng ating pamahalaan na nakukuha ng mga ito ang tamang suporta na kanilang kailangan at sila ay nababayaran ng sapat at sa tamang panahon para sa kanilang mga serbisyo.
Nakalulungkot ang mga balita ukol sa kasalukuyang sentimyento ng mga healthcare worker. Ayon sa pamunuan ng Philippine College of Physicians (PCP), tila hindi sila tinatrato nang maayos ng ating pamahalaan dahil sa hindi pagbabayad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng mga hospital claim sa tamang oras. Ibinunyag ni PCP president Dr. Maricar Limpin na may ilang ospital na hindi pa nakatatanggap ng hospital claim mula Marso 2020.
Sa ginanap na pagdinig sa Kongreso, sinabi ng PhilHealth na nasa P21.1 bilyon pa ang kailangan nitong bayaran sa mga ospital. Sa kasamaang-palad, talagang malaki na ang epekto ng kakulangang ito ng PhilHealth. Ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi), may mga ospital na pansamantalang huminto sa operasyon dahil sa hindi pagbabayad ng PhilHealth ng kanilang mga hospital claim.
Sa ganitong kritikal na panahon, dapat masiguro na ang lahat ng mga ospital ay tuloy-tuloy ang operasyon. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga indibidwal na naapektuhan ng Delta variant ay mas kadalasang kinakailangan ng serbisyong medikal mula sa mga ospital. Sa katunayan, batay sa opisyal na datos ng Department of Health (DOH), higit 70% ng mga ICU bed sa mga ospital sa bansa ay okupado na. Ayon naman sa PCP, ang emergency room ng ilang mga ospital ay kasalukuyang nagpapatuloy ng operasyon ng higit sa 100% ng kapasidad nito. Ang iba ay umaabot na sa 130 hanggang 150%. Ang ilang mga ospital ay nagkukulang na sa medical supplies at mechanical ventilators.
Ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay nangangahulugan na patuloy ring tumataas ang halaga na dapat bayaran ng PhilHealth sa mga miyembro nitong ospital. Subalit sa halip na umpisahan ang pagbabayad ng mga hospital claim, ipinatupad nito ang PhilHealth Circular No. 2021-0013 o ang temporary suspension of payment of claims (TSPC) sa loob ng 120 days. Bagaman ito ay bahagi ng proseso ng pagsasaayos ng mga claim ng mga ospital sa PhilHealth, tila hindi naman ito patas sa mga ospital dahil ang ilan nga sa mga ito ay hindi pa nababayaran mula nang nagsimula ang pandemya noong Marso ng nakaraang taon.
Bilang tugon sa TSPC, nagbanta ang mga ospital na miyembro nito na titiwalag sa PhilHealth. Ibig sabihin, pansamantalang hindi makakakuha ng benepisyo ng PhilHealth ang mga pasyente kapag ito ay pumunta sa mga ospital na miyembro nito. Napakabigat ng magiging implikasyon nito para sa mga magkakasakit. Hindi birong halaga ang ginagastos sa pagpapagamot ng COVID-19 at ng ibang sakit. Paano na lamang ang mga indibidwal na walang sapat na pinansiyal na kapasidad kapag sila ay nangailangan ng medikal na serbisyo?
Hinikayat naman ng mga mambabatas na itigil ng PhilHealth ang pagpapatupad ng nasabing circular. Ayon kay Nueva Ecija 1st District Representative Estrellita Suansing, kailangang alalahanin ng PhilHealth ang sitwasyon ng bansa dahil tayo ay humaharap sa pandemya. Maraming ospital ang maaaring huminto sa operasyon bilang resulta ng pagpapatupad ng TSPC. Hindi ito ang tamang panahon dahil kasalukuyan tayong humaharap sa panibagong hamong dala ng mas nakahahawang Delta variant. Kapag nagsara ang mga ospital, tiyak na lalong mahihirapan ang bansa sa laban kontra sa pandemya.
Anuman ang maging aksiyon ng PhilHealth o ng mga miyembro nitong ospital, tiyak na ang mga mamamayan ang sasalo ng mga magiging epekto nito. Ang COVID-19 ay walang pinipili. Ang lahat ay maaaring dapuan nito kung hindi maingat – mayaman man o mahirap. Kung titiwalag ang mga ospital sa pangangasiwa ng state insurer, ito ay mangangahulugan na hindi lahat ng mga mamamayan ay makapagpapagamot kapag sila ay nagkasakit ng COVID o kapag sila ay dapuan ng iba pang uri ng sakit.
Ang mga ganitong uri ng isyu ay lalo lamang nakapagpapahirap sa sitwasyon ng ating healthcare system. Kung nais imbestigahan ng PhilHealth ang ilang mga ospital, marahil iyan ay nararapat. Ngunit hindi dapat ihinto ang pagpoproseso ng mga claim ng mga ito. Dapat ayusin ng PhilHealth ang kanilang sistema at pamamalakad upang masigurong magiging matatag ang ating healthcare system laban sa COVID-19.
430905 419708How considerably of an exclusive write-up, keep on posting much better half 173874
194364 769458wonderful issues altogether, you just received a emblem new reader. 462417
It’s too bad to check your article late. I wonder what it would be if we met a little faster. I want to exchange a little more, but please visit my site slotsite and leave a message!!
263843 501181I actually enjoyed reading this internet site, this really is great weblog. 803101
The semen analysis of the partner was performed at the same time buy cialis 5mg daily use 8500545 VELORIN FILM COATED TABLETS 100MG
744777 68971hey there, your website is low cost. We do thank you for function 444438