NAGPALIWANAG si Sharon Cuneta sa kanyang Facebook account kung bakit hindi siya nakasama sa Christmas Station ID ng ABS-CBN. Ayon sa Megastar ay hindi na kinaya ng kanyang katawan ang kumanta dahil sa over-fatique.
“Hi, I`m sorry I haven’t updated you in days. My body finally gave in to over-fatique & Kiko had to text my boss. Ms Cory Vidanes to tell her I had been vomiting & had come down with the flu, & as a result I couldn’t sing at the ABS-CBN Christmas Special taping,” post ni Sharon.
May bagong ginagawang pelikula si Sharon pagkatapos maipalabas ang movie nila ni Richard Gomez na Three Words to Forever.
‘Yun nga raw ang dahilan kaya nabawasan siya ng 7 lbs, without event trying hard dahil sa sunod-sunod na trabaho, bukod sa shooting ay may album launching pa siya.
“Sa shooting, madalas ‘pag kainan na tinutulog ko na lang. Worse, I would actually forget to eat all day,’ pahayag ng Megastar.
“My team had to cancel lots of my previous commitments kasi bumagsak na talaga ako. Milagro nga kailan lang bumigay my body sa pagod at stress,” patuloy pa ng Megastar.
Samantala, kung matutuloy ang pagsasapelikula ng buhay ni General Ronald “Bato” dela Rosa ay napipisil ng General na si Sharon Cuneta ang gumanap sa role ng kanyang misis.
At suggest din ni General Bato sa kung sinuman ang magpo-produce ng kanyang buhay para isapelikula ay si Philip Salvador ang gusto niyang gumanap sa kanyang katauhan.
Paboritong actor kasi ni General Bato si Ipe. Wala raw pelikulang ginawa si Ipe na hindi niya pinapanood, lalo na raw noong kasikatan ng actor.
Paboritong actress naman raw ng misis niya na si Nancy ay si Sharon Cuneta at sa magiging director ay ipinaubabaya na raw niya ito sa producer pero type lang niyang tumulong sa pagbuo ng istorya at script ng movie.
Kailangan daw ay hitik sa action ang pelikula at may comedy dahil sa tunay na buhay ay masayahin at komedyante siya.
Kung ano ang magiging title ng movie ay puwede na raw General Bato. At God willing, after May 2019 election ay maging Senator Bato na siya dahil kakandidato siya sa darating na election.
ANNE CURTIS BALIK-ACTING SA HORROR FILM
MAKARAAN ang sampung taon ay balik na naman si Anne Curtiz sa MMFF sa pelikulang niyang Aurora na isa sa walong entry sa taunang festival ng bansa.
Ang Aurora ay isang horror-thriller movie na pinamahalaan ni Yam Laranas under Viva Films. Bale ito ang ikatlong horror movie ni Anne na nagawa. Una niyang horror movie ay Ika-33 Kapitolyo nu’ng 2000. Ikalawa ang Huwag Kang Lilingon nu’ng 2006.
Twenty one years na sa showbiz si Anne kaya marami na rin siyang pinagdaanan na siyang nagpatatag sa kanyang pagkatao.
Ngayong 33 years old na si Anne ay masasabing kulang na lang sa kanilang pagsasama ng husband na si Erwan Heusaff ay magkaroon ng anak na hopefully ay baka ibigay na sa kanila ni Lord sa isang taon.
Ikinasal sila ni Erwan sa Queensland, New Zealand last November 12, 2017 at kamakailan lang nila idinaos ang month long delayed honeymoon sa South Africa na kung saan nag-enjoy si Anne.
Sa mga hindi nakaaalam, si Anne ay nagsimula sa showbiz sa edad na dose anyos sa pangangalaga ni Annie Ayroso hanggang sa mapunta siya sa bakuran ng Viva Films kung saan ginawa niya ang kanyang first movie na Magic Kingdom.
Ngayon ay hindi na matatawaran ang tinatamasang kasikatan ni Anne mapa-TV at pelikula man ito. Kahit may asawa na si Anne ay hindi pa rin nawawala ang mga barakong naghahangad o nabibighani sa kanyang kagandahan at kaseksihan.
PMPC BOARD MEMBER-RADIO ANCHOR ENDORSER NA
CONGRATS sa kasamahan namin sa PMPC na si John Fontanilla na kinuhang perfurme endorser na Halimuyak Perfume na pag-aari ng maganda at batambatang owner na si Engineer Nida Tuazon.
Ayon kay John, na isa rin radio news anchor sa DZBB, kinausap siya ni Engineer Nida para maging endorser ng Halimuyak dahil malaki ang tiwala sa kanya na makakatulong sa kanilang product para makilala here and abroad.
Hindi nga nagkamali si Engineer sa pagkuha kay Jon dahil mas lalong nakilala ng masa ang Halimuyak perfume na mabibili na sa mga SM mall simula next year.
Congrats Jon, hindi ka na talaga maabot at ganoon din kay Engineer Nida Tuazon na down to earth ang kabaitan sa lahat.
Comments are closed.