(Simula na ngayong Pebrero) TAAS-PRESYO SA SARDINAS, GATAS

INAASAHANG ipatutupad na ngayong buwan ng mga producer ang dagdag-presyo sa piling primary goods.

Batay sa report, ang presyo ng sardinas ay tataas ng mula P0.30 hanggang P1.25, condensed milk ng P2.25 hanggang P3.75, at evaporated milk ng P1.75 hanggang P2.25.

Nauna na ring sumirit ang presyo ng Pinoy Tasty, na mabibili na ngayon sa P38.50 mula sa dating P35. Tumaas din ang presyo ng Pinoy Pandesal ng P2 sa P23.50 mula sa P21.50.

Naitala rin ang pagsipa ng presyo ng baboy at isda sa ilang palengke sa Metro Manila na isinisisi ng mga tindero sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Ang kasim/pigue ay nagmahal sa P390 kada kilo mula sa 380 kada kilo.