(Simula na sa Enero 11) WAGE HIKE SA NORTHERN MINDANAO

INAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Northern Mindanao ang  daily pay hike na P33 sa dalawang tranches, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang first tranche na P23 ay epektibo sa  Jan. 11, 2024 habang ang second tranche na P10 ay idaragdag sa July 1, 2024.

Kapag ganap na naipatupad, ang daily pay ng non-agricultural sector workers sa mga lugar na nasa ilalim ng Wage Category 1 will ay tataas sa P438 mula P405, habang ang sahod sa mga lugar na nasa ilalim ng Wage Category 2 ay tataas sa P423 mula P390.

Para sa agricultural workers sa mga lugar na nasa ilalim ng  Wage Category 1, ang  sahood ay tataas mula P393 sa P426, habang ang mga nasa lugar sa ilalim ng Wage Category 2 ay tatanggan ng P411 mula  P378.

Ang mga lugar na nasa ilalim ng Wage Category 1 ay kinabibilangan ng mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iligan, Malaybalay, Valencia, Gingoog, El Salvador, at Ozamiz; at mga munisipalidad ng Opol, Maramag, Quezon, Manolo Fortich, Lugait, Tagoloan, Villanueva, at Jasaan.

Sakop naman ng Wage Category 2 ang mga lungsod ng Oroquieta, Tangub; mga munisipalidad ng Laguindingan, Mambajao, at Balingasan; at ang lahat ng nalalabing lugar na hindi sakop; at  ang Retail and Service Establishments na may mga empleyado na hindi hihigit sa 10.

Inaasahang mabebenepisyuhan ng pay hike ang  144,133 minimum wage earners at  267,305 salary workers sa pribadong sektor.

Samantala, tataas din ang sahod ng household workers ng P500 kada buwan sa chartered cities at  first-class municipalities. Yaong mga nasa ibang  munisipalidad ay tatanggap ng  pay increase na P1,500, kaya ang kani-kanilang suweldo na P4,500 at P3,500 ay magiging P5,000.

Ang pay hike para sa domestic workers ay epektibo rin sa  Jan. 11, 2024 at tinatayang mabebenepisyuhan ang 54,851 miyembro ng sektor, 20% o 11,059 sa kanila ay nasa ilalim ng live-in arrangement.