IPATUTUPAD ng MRT 3 ang 100% passenger capacity simula ngayong araw, kung kailan isasailalim sa Alert Level 1 ang Metro Manila at 38 iba pang lugar sa bansa.
Ito ay makaraang ihayag ng Department of Transportation (DOTR) na mahigit 1,000 pasahero ang kayang isakay ng kada train set o nasa halos 400 kada bagon.
Ayon sa DOTR, ang pagtataas sa lkapasidad ng mga tren ay tugon nila sa pagtaas din ng demand sa pampublikong transportasyon sa pagbubukas ng mas maraming establisimiyento sa Metro Manila.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng DOTR ang publiko sa pagpapatupad ng minmum public health standards kung saan ipinagbabawal pa rin ang pag-uusap, pagkain, pag- inom at pagsagot ng tawag sa telepono habang nasa loob ng tren. DWIZ 882