(Sinelyuhan ng PH, Japanese firm) P4.4-BILLION INVESTMENTS

FOREIGN INVESTMENTS-3

ISINAPINAL na ng Japanese electronic parts maker Murata Manufacturing ang 11.2 billion Japanese yen expansion plans nito sa Pilipinas, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ng DTI na gagastos ang local unit ng Murata, ang Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc. (PMM), ng P4.4 billion para magtayo ng bagong production building sa First Philippine Industrial Park sa Tanauan City, Batangas.

“The construction of a new production building is a follow through to the signing of the Letter of Intent (LOI) between Murata and DTI on February 10, 2023, which was also witnessed by President Ferdinand R. Marcos Jr.,” ayon sa DTI.

Layon ng expansion project ng Murata sa bansa na matugunan ang tumataas na demand para sa multi-layer ceramic capacitors (MLCCs) sa paglago ng mga umuusbong na teknolohiya tulad ng electrification of cars, Internet of Things, at 6G communications technology.

“With the demand expected to grow in the global market, we would like to explore to grow in the global market, we would like to explore how we can encourage Japanese companies to expand and upgrade their operations in the Philippines,” wika ni DTI Secretary Alfredo Pascual.

Magmula nang itatag noong 2011, ang PMM ay nakapag-empleyo na ng 3,500 personnel at nakapag-ambag ng P68.6 billion sa export sales.

-(PNA)