(Sinimulan na ng DOE) PAGHAHANDA PARA SA LA NIÑA

SINIMULAN na ng Department of Energy (DOE) ang mga paghahanda para sa La Niña upang maiwasan ang interruptions dulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha dahil sa weather phenomenon.

Sa sidelines ng isang forum na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Makati City, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na pinaghahandaan na nila ang La Niña.

“We have prepared measures because if the rains are too heavy, as we experienced in Typhoon [Agon]… the power lines, especially in the areas which were hit by heavy rains, were interrupted… So we have to prepare for contingencies,” ani Lotilla.

Aniya, ang pagpapatuloy ng operasyon ng reserve market sa susunod na dalawang buwan ay magpapahintulot sa diesel at bunker fuel power plants na umandar.

“That will help us get through any possible interruptions due to La Niña,” ani Lotilla.

Gayunman, sinabi ng DOE chief na inaasahan ng ahensiya ang mas kaunting interruptions kumpara sa  El Niño months, na tumagal mula July 2023 hanggang early June 2024.

“We’ve got to make sure that hopefully the La Niña will be there after already the dams have been replenished,” dagdag pa niya.

 Sinabi ng US National Weather Service’s Climate Prediction Center (CPC) noong nakaraang linggo na may 65% tsansa ng La Niña weather pattern, na inilalarawan ng malamig na temperatura sa Pacific Ocean, na nabubuo mula  July hanggang  September.