SINOVAC, EPEKTIBO LABAN SA COVID-19

MAY  lumabas na bagong pag-aaral na pinabubulaanan ang mga balita na ang Sinovac ang pinakamahinang uri ng bakuna laban sa Covid-19. Hindi kasi natin maiaalis na may halong negosyo ang paghananap ng pinakamabisang gamot laban sa Covid-19.

Ang malalaking pharmaceutical companies ay nag-uunahan na makagawa ng bakuna laban dito dahil napakalaki ng demand nito sa merkado sa buong mundo. Siyempre, kanya kanyang bersyon kung sino ang pinakamabisa sa mga ito.

Ang unang tinamaan ng persepsyon na hindi epektibo ay ang Sinovac na gawa sa China. Ang AstraZeneca, na unang nabida na ang pinakamabisa sa lahat ng gamot, ay nagkaroon din ng balita na maaring magkaroon ng pamumuo ng dugo matapos mabakunahan nito. Ganun din ang Johnson and Johnson na sinasabing isang bakuna lang sa kanila ay ok na. Hindi na kailangan ng second dose, nguni’t may lumabas din na ulat na mabigat ang side effect nito sa mga tao. Andyan din ang Sputnik mula sa Russia at ang Moderna na gawa rin sa America. Sa ngayon ang imahe ng Pfizer ang lumalabas na pinakamabisa sa lahat.

Nguni’t ayon sa isang pag-aaral mula sa Center of Excellence in Clinical Virology of the Faculty of Medicine sa Chulalongkorn University sa Thailand, ang Sinovac at ang AstraZeneca ay mabisa sa pagpapataas ng immune system laban sa Covid-19. Lumabas sa kanilang pag-aaral na mahigit 97% ang nagkaroon ng immunity response pagkatapos lumipas ang isang buwan sa pagbakuna ng AstraZeneca.

Wala pa silang resulta kung tataas pa ang immune system pagkatapos ng second dose nito.

Ang Sinovac naman daw matapos ang tatlong linggo ng unang bakuna magkakaroon daw ng 66% sa pagtaas ng immune system. Subali’t pagkalipas ng apat na linggo matapos ang 2nd dose ng Sinovac, umakyat ang immune system ng tao sa 99.49%! Opo halos 100% ang pagtaas ng immune system laban sa Covid-19. Kaya naman hindi kataka-taka ng ang China ngayon ay bumabalik na sa normal na pamumuhay.

Para sa ating mga Filipino, maaring may katotohanan ang pag-aaral na ito lalo na kung ang mga taong ginamit bilang batayan ng bisa ng gamot ay mga Asyano. Ayon sa pag-aaral, sinubukan ito sa 263 mga pasyente na may Covid-19 at halos 92% ang nagkaroon ng sapat na anti-bodies laban sa Covid-19.

Ang siyensiya na ginagamit dito sa paghahanap ng solusyon para matigil ang pagkalat ng Covid-19 ay masyadong komplikado. Sabi ko nga sa unang sigwada ng paggawa ng bakuna, lumabas na ang Sinovac ang may pinakamababang bisa laban sa Covid-19. Subali’t batay sa bagong pag-aaral na ito, lumalabas na ang Sinovac at AstraZeneca ay isa sa pinakaepektibong bakuna kapag wasto ang pagbibigay ng gamot na ito sa tao.

Bukas ay ikalawang bakuna naming mag-asawa ng Sinovac. Umaasa akong tataas ang immune system namin laban sa Covid-19 pagkatapos ng isang buwan. Subali’t dobleng pag-iingat pa rin ang kailangan.

Magsusuot pa rin kami ng face mask at face shield kung sakaling lalabas kami ng aming tahanan.

Magpapatupad pa rin kami ng social distancing. Iiwas pa rin kami sa mga matataong lugar at palagi kaming maghuhugas gamit ang sabon o alcohol tuwing kami ay nasa labas ng aming pamamahay.

Mabuti ng naniniguro na huwag kapitan ng Covid-19.

Kaya mga kababayan, kung may kaunting alinlangan kayo sa bisa ng Sinovac, magdalawang isip na kayo.

Kung may paraan na magpabakuna na kayo, huwag na masaydong mapili sa uri o tatak ng gamot. Ang mahalaga ay agarang mabakunahan tayo.

7 thoughts on “SINOVAC, EPEKTIBO LABAN SA COVID-19”

  1. 921858 610067For anyone one of the lucky peoples, referring purchase certain products, and in addition you charm all with the envy of all of the the many any other people around you that tend to have effort as such make a difference. motor movers 131984

Comments are closed.