PARAÑAQUE CITY- NANANATILI ang skeletal force ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos palawigin ng pamahalaan ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Ito ay bilang pagsunod sa direktiba ng Malakanyang upang masunod ang social distancing, at maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.
Matatandaan na nagbawas ng operasyon ang Bureau of Immigration makaraang magsara ang ibang international airports sa bansa dahil sa implementasyon ng ECQ.
Kasabay nito ipinagbibigay alam ni Morente sa mga foreign national na nasa bansa na manatili sa kanilang mga bahay o hotel para sa kanilang seguridad. FROI MORALLOS
Comments are closed.