NATALAKAY sa Usapang Payaman sa DWIZ 882 AM ang Bisyong Pagnenegosyo, pag-agapay sa mga maliliit na negosyante, ang nagpapatuloy na adbokasya ng BVG Foundation ni Hope Creating President Dr. Benjamin V. Ganapin Jr. ng Rotary Club Cosmpolitan Cubao.
Gayundin ang proyektong Online Learning Portal ng Rotary Club Uptown Cubao sa pamumuno ni HCP Roel Abatayo na itutuloy ni President- Elect Jayfer “Barbie” Armengol.
Gayundin ang Dental Mission ng Rotaract Club of Uptown Cubao Charter sa koordinasyon ng kasalukuyang International Youth Service Chair na si Charlene Cajano at Ian Conje Tomaquin, Immediate Past President.
Tinalakay ni Ganapin na pokus ng kanilang adbokasya ang mag-akay o mag-engganyo na pumasok na lamang sa pagnenegosyo para sa maayos na kabuhayan.
Bukod sa mga ina ng tahanan, target nilang turuan ang mga guro na magtayo ng maliit na negosyo upang magkaroon ng dagdag income at maturuan din ang mga kanilang mga negosyante sa basic entrepreneurship.
Gagawin ang pagtuturo sa San Vicente Elementary Diliman, Quezon City.
“Bahagi ito ng Matatag curriculum para matuto ang mga guro sa entrepreneurship pati mga bata,” ayon kay Ganapin.
Sa pamamagitan naman ng Online Portal Learning ay makakatuwang ang RC Uptown Cubao para hindi mahinto ang pagkakaroon ng dagdag kaalaman ng mga estudyante, ayon kay Abatayo.
Habang Dental Mission ang proyekto ng Rotaract Club na nasa ilalim ng RC Uptown Cubao na nasa charter naman ng Rotary District 2780 sa pangunguna ni DG Paul Angel Galang.
Ipinaliwanag naman ni Cajano at Tomaquin na isinulong nila ang Dental Mission dahil napag-alaman nila na may mga barangay pa rin ang walang sariling dental clinic at umaasang higit na makakatulong, lalo na sa kabatan ang kanilang mga proyekto.
Sinabi naman ni Amengol na kabilang sa kanilang mga gagawin ngayong taon, ay una ang malaking partisipasyon sa Brigada Eskwela sa Hulyo , pangalawa ang pagpapatuloy ng Online Learning Portal at magiging katuwang ng Rotaract sa Dental Mission.
“Itutuloy namin ang fluoride application sa adopted barangay namin, pati ang Brigada Eskwela sa July,” ani Amengol.
Tinukoy nito ang kanilang adopted barangay and school na Brgy. Pasong Putik at Maligaya Elementary School sa Quezon City.
Take note: Ugaliing making at manood ng USAPANG PAYAMAN sa DWIZ882am (UPIZ) tuwing Linggo, 2-3PM. Maaaring mapanood sa Aliw23 sa FB Pages na DWIZ882 at PILIPINO Mirror gayundin sa YouTube Channel DWIZ.
Ang UPIZ ay radio show and program ng PILIPINO Mirror at ang mga anchor/host ay sina Cris Galit, Susan Cambri Abdullahi at Eunice Calma-Celario