NAKUMPISKA ng Solane LPG ang kabuuang PHP 85,000 na halaga ng ilegal na tangke ng LPG sa unang tatlong buwan ng taon, sa patuloy nitong pagkilos upang maiwasan ang mga sunog na may kaugnayan sa liquefied petroleum gas (LPG) at pagpapatupad ng LPG Industry Regulation Act (LIRA).
Simula nitong 2023, nakapagtala na ang Bureau of Fire Protection ng 1,984 na insidente ng sunog sa bansa. Bagamat electrical ignition ang nangungunang sanhi ng mga sunog, may mga insidente na rin ng sunog at pagsabog dulot ng mga substandard na tangke ng LPG at pagtagas mula rito.
Nitong Enero, tatlo ang sugatan sa naitalang pagsabog na dulot ng LPG sa Pasig City. Sa kaparehong buwan, mahigit labing-anim na katao, kabilang na ang iilang estudyante, ang sugatan matapos tumagas ang LPG at nagdulot ng pagsabog sa isang commercial building na may dormitoryo at laundry shop sa Malate, Manila.
Sa pagsasagawa ng limang raid sa Metro Manila, Nueva Ecija at Ifugao, nakapagkumpiska ang Solane LPG ng limampung depektibo at illegally refilled na tangke ng LPG.
Sa Valenzuela City, labimpitong indibidwal ang inaresto sa paglabag sa RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines at RA 11592 (LIRA) at walong peke at illegally refilled na tangke ng Solane LPG ang nasamsam. Nakumpiska rin ang ibang mga paraphernalia tulad ng LPG compressor, pump at refilling house.
Samantala, dalawang magkahiwalay na raid sa San Isidro at Cabiao, Nueva Ecija ang nakasamsam ng 23 na peke at illegally refilled na tangke ng LPG.
Sa Lagawe, Ifugao naman, nakumpiska ang 15 na peke at illegally refilled na tangke ng LPG na nagkakahalagang PHP 25,000. Nagsagawa rin ng raid operations ang Solane LPG sa Banaue, Ifugao, kung saan apat na peke at illegally refilled na tangke ng LPG naman ang nasamsam.
Dinala ang mga arestado at mga nakumpiskang ebidensya sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng kanya kanyang lokal na pamahalaan para sa dokumentasyon at paghahanda sa pagsampa ng kaso sa korte.
Nong 2022, nakapagtala ang BFP ng 13,029 na insidente ng sunog sa bansa at sa parehong taon, nasabat ng Solane LPG ang 418 na peke at illegally refilled na tangke ng LPG, kasama ng ilang paraphernalia, na nagkakahalaga ng PHP 668,800
Solane patuloy ang pagpapaigting sa adbokasiyang suportahan ang LPG Law
Ang pagsagawa ng raid operations ay kabilang sa mga inisyatibo ng Solane LPG para suportahan ang gobyerno sa pagpapatupad ng LPG Industry Regulation Act (LIRA), na naglalayong protektahan ang mga LPG consumers laban sa iligal na kalakalan ng peke at depektibong tangke ng LPG at manawagan sa pagphase out ng mga hindi ligtas na tangke upang maiwasan ang mga sunog na dulot ng depektibong LPG.
Nitong LPG Philippines Summit sa Pasay City, ibinahagi ng Solane LPG ang dedikasyon nitong tumulong sa pagpapatupad ng mga tuntunin at regulasyon ng LIRA. “With this new law, we are very much in line with and supportive of the programs of the government. For our part, we will fully commit to implementing the rules and laws within our own market,” ayon kay Jose Antonio Gonzalez, CEO ng Solane LPG.
Bagaman bumaba ang bilang ng mga sunog kugnay sa LPG na naitala ng BFP mula 104 noong 2018 hanggang 47 noong 2021, nagbabala ang LPG Industry Association Inc. (LPGIA) laban sa mga iligal na refill na tangke ng LPG at hindi kwalipikado o substandard na mga cylinder, na patuloy na pangunahing sanhi ng mga sunog at pagsabog na nauugnay sa LPG.
Ayon sa LIRA, kabilang sa mga itinuturing na ‘illegally refilled’ LPG cylinders ay ang mga sinalinan ng produkto o sangkap na hindi LPG, sinalinan nang diretso galing sa LPG bulk storage tank trunks, sinalinan sa pamamagitan ng hindi awtorisadong cross-filling, sinalinan gamit ang ibang tangke ng LPG at sinalinan ng hindi lisensyadong planta ng LPG. Mahigpit na ipinagbabawal rin ng LIRA ang paggamit ng peke, sira or hindi awtorisadong LPG cylinder seals.
Itinuturing rin na iligal sa ilalim ng batas ang mga tangke ng LPG na hindi mabasa o kupas ang mga marka, ang mga sirang tangke ng LPG na maaaring may kalawang, uka, at butas, at lagpas na sa requalification date na nakasaad sa tangke na maaaring pagmulan ng tagas na humahantong sa pagsabog.
Bilang parte ng adbokasiya nitong suportahan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng LPG Law, hinihimok ng Solane LPG ang mga mamimili na maging mapagbantay laban sa mga iligal na supplier ng LPG. Upang matiyak na ang kanilang mga tangke ng LPG ay tunay, maaaring suriin ang mahahalagang marka tulad ng rehistradong pangalan ng tatak at trademark ng manufacturer, standard used and test dates, serial o code number, markang ‘Made in the Philippines’, petsa ng pag-expire at timbang.
Ang mga awtorisadong tangke ng Solane LPG ay tumitimbang ng humigit-kumulang 13 hanggang 15 kilo para sa AS o de salpak, 11.5 hanggang 14 na kilo para sa POL o de roskas, at 4.1 kg para sa Solane Sakto. Ito rin ay may kasamang biodegradable seal.
Hinihikayat rin ng Solane LPG ang mga mamimili na bumili lamang mula sa mga lehitimong suppliers at distributors. Upang matiyak na ligtas at kalidad ang kanilang mga tangke ng LPG, maaaring tumawag sa Hatid Bahay Hotline – (02) 8887-5555, magpadala ng mensahe sa 0918-887-5555 (Smart) / 0917 8977555 (Globe) o sa Solane Facebook page, o mag-order sa pamamagitan ng Solane LPG app. Maari ring mag-order sa pamamagitan ng Solane Web Ordering Platform.