SOLENN HEUSSAFF GUST NANG MAGKA-BABY NEXT YEAR

SOLENN HEUSSAFF

SA TAKBO ng kuwento ni Solenn  Heussaff  sa presscon ng latest soap niyang Cain at Abel, kung  saanshowbiz talk bida ang dalawang big actors ng GMA 7, sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, nasabi ng actress na gusto niyang magka-baby na next year.

She’s 33 years old na ngayon, panahon na para sila’y magka-baby ng kanyang Argentinian husband  na isang financial analyst.

Ready naman siya kung anumang mangyari sa kanya next year. Sa ngayon sa rami ng commitment ni Solenn sa showbiz at commercials,  talagang  ingat siya ngayon sa pagbubuntis. Naka-apps sa cellphone niya ang monthly period niya. Andoon din kung kailan sila puwedeng magsi­ping ng kanyang  husband.

Sa bagong soap ni Solenn, challenging ito sa kanya. May pagka-kontrabida siya. First time niyang gagawin ito. Sa istorya, may relasyon sila ni Dingdong. Pero, mahuhuli siyang may another man sa buhay niya. Bunga ito ng paghihiwalay o di matutuloy na paghihiwalay, parehong mayaman ang pamilya nila ni Dingdong.

Si Dennis Trillo ang  brother ni Dingdong sa soap. Bata pa sila’y nagkahiwalay. Napunta si Dennis sa nanay niya na isang mahirap lang, samantalang si Dingdong sa kanyang mayamang ama.

BB. PASIGUENO 2018 ASPIRANT AT LGBT KIM BUSCAY SUPORTADO NG BRGY. CAPTAIN NG  SAN ANTONIO, PASIG

Kapitan Thomas Raymond LisingMATAAS ang pagka­kilala ni Kapitan Thomas Raymond Lising ng Barangay San Antonio, Pasig  sa representative nilang si Ms. Kim Buscay, na kandidata ng Bb. Pasigueno 2018, na magaganap  Thursday night.

Naniwala si Kap. Li­sing kay Kim dahil sa bukod sa maganda, punong-puno ng talent. Ayon kay Kapitan, si Kim ay maraming plano para sa LGBT group ng Brgy. San Antonio, na kung saan sakop nito ang 80 percent ng Ortigas Center. Si Kim din ay mayroong sariling negosyo, ang Prodigee Corporation.

She’s the managing director of the company. Her advocacy is to have equal rights and opportunities among LGBT in the corporate world.

Center of business ang whole of Ortigas area, bukod pa sa maraming condominium sa lugar at hotels na iba’t ibang lahi at gender ang nakatira. Maraming business establishment  sa barangay na nasasakupan. Isa si Kim na nagmamay-ari ng negosyo sa Pasig.

Si Kap. Lising ay first time barangay captain, pero naka-nine years siyang barangay kagawad. First sa family Lising sa Pasig na magkaroon ng politician.  Businessman ang mga kamag-anakan niya. Sa ngayon ‘di naman long term ang political career niya. Umaasa lang siya kung ano ang gusto ng mga taong nasasakupan niya. ‘Di niya iniisip sa ngayon kung tatakbo siyang konsehal  pagkatapos niyang maging barangay captain.

23rd  ANNIVERSARY NG BUBBLE GANG MAPANONOOD NGAYONG NOB. 23

NAIIBANG Bubble Gang anniversary presentation ang mapanonood sa Nob. 23. Isang movie ang mapanonood sa telebisyon na kung saan ang takbo ng istory ay pinagsama-samang character sketch na bubble gangnapanonood sa gag show.

Ayon kay Michael V, ang  pinaka-senior at  isa sa creative director ng show,  na walang dating cast na magiging guest. Ibabalik lang nila ang old characters ng show. Siyempre, may ibang actors  ang gaganap sa puwang ng lumang tauhan ng show na lumipat sa ibang network o sadyang nagpahinga na sa Bubble Gang.

Super special ang  23rd presentation, kaya masarap tutukan ang palabas. Su­baybayan tuwing Friday night ang regular show ng Bubble Gang.

Comments are closed.