KAILANGANG magpalabas ang Sugar Regulatory Administration (SRA) ng suggested retail price (SRP) sa asukal kung talagang nais nitong mapatatag ang presyo ng produkto, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
“As much as we want to manage the supply and control the prices of sugar, the law provides the commodity falls within the re-sponsibility and jurisdiction of the Department of Agriculture (DA). Citing the Price Act, he argued sugar is a basic good under the regulation of the DA, not the Department of Trade and Industry (DTI),” wika ni Trade Secretary Ramon M. Lopez.
Sa ilalim ng batas, ang agricultural crops, isda at iba pang marine products, fresh meat, fresh poultry at dairy products, fertilizers at iba pang farm inputs ay nasa ilalim ng pagbabantay ng DA.
“We would like to clear once and for all that the DTI can regulate the retail price of sugar in the market only if we are given au-thority to do so by the DA or the SRA. Without this authority, the DTI can only monitor its supply and availability,” ani Lopez.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim bilang tugon sa alegasyon ng board members ng SRA na hindi ginagawa ng DTI ang tra-baho nito sa pagmo-monitor at pagre-regulate ng presyo ng asukal.
Bilang depensa, sinabi ni Lopez na inirekomenda ng kanyang ahensiya noong nakaraang taon sa DA at sa SRA ang pagpapatu-pad ng SRP sa refined sugar sa P50 per kilogram para mapanatiling mababa ang presyo sa gitna ng pagsirit ng inflation. Gayun-man, pagkalipas ng halos isang taon ay walang ipinatupad na SRP.
Sa pagkawala ng SRP, patuloy na minomonitor ng DTI ang presyo ng asukal, at nag-iisyu ng letters of inquiry sa mga retailer na nagbebenta ng mas mataas sa P50 per kilo.
“We assure the consumers that our agency remains faithful to our true mandate. We have success in managing prices for manu-factured products that are in the list of basic necessities and prime commodities, even during the inflationary months last year, be-cause these goods are under the mandate of the DTI,” paliwanag pa ng trade chief.
Bukod sa price monitoring, idinagdag ni Lopez na nagpatupad ang DTI noong nakaraang Agosto ng Presyong Risonable Dapat, isang mekanismo na magbibigay-daan sa mga retailer na direktang mag-import ng asukal subalit kailangan nila itong ibenta sa hindi tataas sa P45 per kilo para sa brown sugar at P50 per kilo para sa white sugar.
Sinabi naman ni Trade Undersecretary Ruth B. Castelo na ang DTI ay may kakayahang i-monitor ang anumang produkto dahil may mga tanggapan at teams ito na nakatalaga sa lahat ng rehiyon at lalawigan sa bansa.
“It is crucial to do a close watch on agricultural products due to the volatility of their prices. Should the DA need it, the DTI is most willing to lend its manpower in the monitoring of the staple among the products under its mandate,” sabi pa ni Castelo.
Comments are closed.