POSIBLENG umangkat ang Department of Agriculture (DA) ng hanggang 200,000 metric tons ng asukal upang matugunan ang pangangailangan ng bansa.
Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, maaari ring magpatupad ng suggested retail price (SRP) sa asukal upang maiwasan ang pagsasamantala ng mga negosyante.
“SRP will limit the increase of the price to only 10 percent within a period of time,” anang kalihim.
Ani Piñol, sa total sugar imports mula Thailand, 100,000 metric tons ang mapupunta sa mga pabrika, 50,000 sa confectioneries at 50,000 metric tons sa public markets at groceries.
Sa pinakahuling monitoring, ang presyo ng asukal ay tumaas sa P53 kada kilo mula sa P43.
“Projected for this year na kapag hindi nag-import, magkakaroon ng kakulangan ng supply sa merkado, but right now hindi pa naman kulang,” dagdag niya.
Comments are closed.