(Successful ang Concha’s Garden) ALDEN RICHARDS PLANONG MAGPATAYO NG GASOLINE STATION AT SPA

alden richards

TAONG 2016 nang ipatayo ni Pambansang Bae, Alden Richards ang kauna-unahan niyang branch na entra eksenaConcha’s Garden Cafe sa Quezon City. Mula sa pagka-inlove niya sa pagkain ng resto na matagal niyang tinangkilik ngayon ay may tatlo na siyang branch na isa rito ay matatagpuan sa Tagaytay City. Maraming kasamahan sa industriya at entertainment press ang nakasubok na sa mga food na sine-serve sa restong ito ni Alden at lahat ay nag-enjoy at nasarapan.

Bukod sa kanyang kumikitang resto ay plano rin pala ni Alden na magpatayo ng sarili niyang gasoline station at Spa salon. Pinanindigan na talaga ng actor/singer/host ang kaniyang pagiging young entrepreneur.

DENNIS TRILLO AT JC DE VERA BILIB KAY KIM CHIU

FIRST time makatrabaho ni Dennis Trillo itong si Kim Chiu sa pelikulang “One Great Love” at masayaDENNIS, JC At KIM ang aktor dahil kasama sila sa Metro Manila Film Festival 2018 ni Kim at ng co-actor na si JC de Vera.

Ayon kay Dennis ay nakita niya kay Kim ang pagiging magaling na artista. “Very giving na artista kaya kapag kaeksena mo siya, hindi ka mahihirapang mag-emote kasi madadala ka sa performance niya. Hindi mo makikita ‘yung Kim Chiu, makikita mo ‘yung Zyra sa pelikula. Hindi ako nagkaroon ng problema na gawin ‘yung kahit ano mang  eksena. Sobrang versatile niya na artista,” taas kamay na paglalarawan ni Dennis.   Dagdag pa ng  mahusay na aktor, ay isang mala­king karangalan sa kanya na makatrabaho ang isang Kapamilya star katulad ni Kim. Aminado si Dennis na kinabahan din siya nang gawin ang maiinit nilang eksena ng  dalaga para sa nasabing movie.

“Sobrang suwerte na­min ni JC (de Vera) na nagkaroon kami ng isang  Kim Chiu na nakatrabaho dahil wala siyang arte. Kung ano ‘yung kaila­ngan sa eksena gagawin niya and then dadagdagan niya pa para mas lalong kaming ma-impress. Sa eksena (intimate scene) na ‘yon, actually noong una pareho kaming kinabahan. Habang pinag-uusapan namin kung ano ‘yung gagawin parang mas naging kumportable kami sa isa’t isa. Naitawid namin nang maayos at very artistic ang pagkakagawa,” pagtatapos pa ng Kapuso actor.

Para naman kay JC de Vera, ay masaya rin siyang  nakasama sa project si Kim na mapano­nood ngayong Kapaskuhan. “Sobrang happy ako with the outcome of the project. Kasi sila ‘yung nag-set ng tone ng proyektong ito. Gagawin namin ito in a relaxed and a calm way but we have to put in work. So ginawa namin ‘yung best namin for this project,” nakangiting pahayag ni JC na naniniwalang kontrobersyal ang kanilang pelikula dahil ngayon lamang nakagawa ng maiinit na eksena si Kim Chiu.

Comments are closed.