‘SUDDEN-DEATH’ (Petron vs Sta. Lucia; Generika-Ayala vs Smart)

psl volleyball

Mga laro ngayon:

(Batangas City Sports Coliseum)

4:15 p.m. – Generika-Ayala vs Smart

7 p.m. – Petron vs Sta. Lucia

BATANGAS CITY – Target ng Sta. Lucia na masilat ang Petron sa sudden-death quarterfinals ng Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa Batangas Sports Coliseum.

Magsisimula ang aksiyon sa alas-7 ng gabi kung saan sisikapin ng Lady Realtors na pigilan ang pagmartsa ng Blaze Spikers sa korona sa prestihiyosong women’s club tourney.

Magtatangka rin para sa isang puwesto sa semifinals ang Generika-Ayala at Smart, na magsasagupa sa 4:15 p.m. opening match ng season-ending conference.

Makaraang mapilay dahil sa injuries na nag-sideline kina Filipino-American spiker MJ Philips at Chin Basas sa kabuuan ng season, ang Lady Realtors ay natalo sa lahat ng kanilang 10 matches upang mangulelat sa preliminaries at maisaayos ang quarterfinal duel sa wala pang talong Petron.

Subalit hinamon ni head coach George Pascua ang kanyang mga bataan na gawin ang lahat ng kanilang makakaya hindi lamang para baguhin ang kanilang kapalaran kundi para mapigilan din ang Blaze Spikers na maduplika ang sweep sa torneo.

“We don’t want to end up winless,” wika ni Pascua, na ang tropa ay yumuko sa Petron sa nail-biting fashion sa kanilang naunang pag­haharap, 18-25, 25-27, 17-25.

“I told the players to give their all. We don’t want this to be our last game. We will play our hearts out no matter who’s on the other end of the court.”

Puntirya ng Petron na muling gumuhit ng kasaysayan sa pagtala ng sweep, isang tagumpay na natamo nito noong 2015, sa pangu­nguna nina Dindin Manabat, ­Rachel Anne Daquis at Aby Marano.

Si Pascua noon ang head coach ng record-setting squad kung saan nagsilbing assistant coaches niya sina incumbent Petron coach Shaq Delos Santos at Foton deputy Edjett Mabbayad.

“Yes, I still remember that. We had a very strong team before and nobody beat us until we won the title,” ani Pascua.

Comments are closed.