SUPLAY NG BIGAS SAPAT, PH ‘DI NA AANGKAT NG 300K MT

bigas

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng bigas ang bansa makaraang ianunsiyo ng Malacañang na hindi na nito itutuloy ang planong pag-angkat ng 300,000 metric tons ng bigas sa ilalim ng government-to-government scheme.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, may sapat na stocks ang bansa para sa 82 araw at may para­ting pang suplay para sa buong taon.

“As of this month, mayroon pa tayong 82 days to last… Mayroon po tayong sapat na pagkain,” aniya sa isang virtual press briefing.

Nauna nang sinabi ng Palasyo na hindi na kailangang mag-import ang bansa ng 300,000 metric tons ng bigas dahil may sapat itong ­suplay.

Magugunitang inaprubahan ng pandemic task force ng pamahalaan ang pag-angkat ng bigas noong Marso bilang contingency.

Sinabi ni Dar na kumikilos ang ahensiya para madagdagan ang produksiyon ng local farmers lalo na sa panahon ng  coronavirus pandemic dahil nananatiling prayoridad ang food security.

“We are going to work with and assist the domestic producers, the farmers and fishers to level up their production,” aniya.

Comments are closed.