SUPORTA SA MALIIT NA NEGOSYO SA BANSA, PATULOY PANG PINALAKAS!

Philippine SME Business Expo

MATAGUMPAY na idinaos ang 9th Philippine SME Business Expo & Conference (PHILSME) noong Nobyembre 12 at 13 sa SMX Convention Center sa Lungsod ng Pasay na may layong suportahan at palakasin ang Small and Medium Enterprises (SMEs) o ang mga maliliit na negosyante at entreprenyur sa bansa.

Mahigit dalawang daang business solutions ang itinampok sa nasabing expo na kinabibilangan ng information technology, business financing, accounting & payroll, human resour­ces, financial technology, telecommunications, marketing at logistics solutions. May libre ring business consulting para sa lahat ng mga baguhan sa pagnenegosyo. Samu’t saring franchi­sing opportunities at concepts din ang matatagpuan para naman sa mga naghahanap pa lamang ng pagkakakitaan.

Dagdag pa rito, upang mas tulungan pa ang mga maliliit na negosyante na malaman ang mga makaba-gong pamamaraan na higit pang magpapaunlad sa kanilang pagnenegosyo, inilunsad sa ikalawang pagkakataon ang Innovations Village kung saan itinampok ang mga tech business solutions gaya ng mga website developers, pagkakaroon ng maayos na social media, mga makabagong IT business gadgets at marami pang iba.

Bukod sa expo, nagkaroon din ng SME Business Conference tampok ang ilan sa mga kilalang business leaders sa bansa upang magbahagi ng mga bagong kaalaman para sa SMEs.  Kabilang ang TV hosts at mga entreprenyur na sila RJ Ledesma at Howell Mabalot sa mga na­ging speaker sa edisyong ito. Paksa sa nasabing conference ang business leadership, manage­ment, franchising, personal & professional development, sales, cus­tomer service, digital marke­ting, e-commerce at business innovation.

Philippine SME Business Expo-3Espesyal na pana­uhin sa ginanap na ribbon-cutting ceremony noong Nobyembre 12 si Department of Trade & Industry – Bureau of Small and Medium Enterprise Development Director Jerry Clavesillas na taos-puso ang pasasalamat at suporta sa inisyatibong ito ng Mediacom Solutions, ang event organizer ng PHILSME,  upang suportahan ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa bansa.

Ayon kay David Abrenilla, ang Founder ng PHILSME, malaki umano ang gampanin ng SMEs sa ekonomiya dahil halos 99.52 % ng mga negosyo ay registered bilang MSMEs sa bansa. Ito ang naging ins­pirasyon ng Mediacom Solutions upang mag-organisa ng bi-annual SME expo sa Filipinas – upang mas mapatatag at mapalakas pa ang mga SMEs sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa mga na-papanahong business solutions.

Katuwang ng PHIL­SME sa edisyong ang Regus & Spaces, Esquire Financing, Alkaviva Waters Philip-pines, Sprout Solutions, HP Philippines, i4 Asia Incorporated – Freshworks, DV Boer Farm International at Ersao Taiwanese Restaurant bilang sponsors. Kabalikat din ng PHILSME ang Department of Trade & Industry at Filipino International Franchise Association bilang supporting partners.