SUPPLY NG MANOK BUMAHA, FARM GATE PRICE BUMAGSAK

MANOK

Ayon sa United Broiler Raisers Association (UBRA), ang local chicken supply ay patuloy na mas mataas kaysa demand sa kabila na papalapit na ang holiday season.

“No [price] recovery yet. Apparently, supply is still outpacing demand,” pahayag ni UBRA President Elias Jose Inciong sa BusinessMirror.  “We are still below cost of production.”

Sa pinakahuling survey ng UBRA ay lumitaw na ang average farm-gate price ng broiler hanggang November 16 ay nasa P74.50 kada kilo para sa regular-sized chicken. Mas mababa ito sa production cost range ng mga raiser na P80 hanggang P85 kada kilo.

Nauna nang sinabi ni Inciong na ang farm-gate price ng broiler ay bumaba ng P15 kada kilo magmula noong September 28 sa likod ng mas mataas na production volume at total supply.

Sa kabila nito, sinabi ni Inciong na hindi magkakaroon ng kagyat na pagbabawas sa output ng local raisers upang mapigilan ang pagbagsak ng presyo. Aniya, ang below-the-production level prices ay maaaring magtagal sa first quarter ng 2019.

“We do not see a cut in output. It would seem that DOC production has improved. the big players will take their time to even consider a cut in production,” ani Inciong. “This may stretch to the first quarter.”

“We are hoping that there will be an improvement within the next 2 weeks but after the holidays there will be a further collapse,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ni Inciong na ang pagbagsak ng farm-gate prices ng broiler ay dahil sa pag-alis sa special safeguard duty sa chicken meat imports.

Sa naunang pagtaya ng UBRA, ang broiler output ngayong taon ay maaaring tumaas ng 5.4 percent sa 970 million heads mula sa 920 million heads dahil sa mas malaking demand.

Ang inaasahang total broiler output ngayong taon ay nasa 1.248 billion kilograms hanggang 1.261 billion kg sa average weight na 1.3 kg per broiler.

“The broiler farms’ expansion is rooted on the optimism that demand would be higher due to the increase in population and the improvement in the purchasing power of Filipinos,” dagdag pa ni Inciong. JASPER ARCALAS

Comments are closed.