NORTH COTABATO – PATAY ang dalawang Indian makaraang sumalpok ang kanilang sports utility vehicle sa nakaparadang multicab sa gilid ng highway sa Purok Dos, Barangay Katipunan sa bayan ng Arakan kahapon ng tanghali.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang mga biktima na kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan.
Sa ulat ng pulisya, nagkaaberya ang SUV na may plakang VJJ 711 kaya nagtuloy-tuloy na sumalpok sa multicab.
Nailigtas naman ang isang bata na naipit sa nasabing sasakyan. MHAR BASCO
Comments are closed.