CAMP AGUINALDO – SA gitna ng patuloy na pagiging aktibo ng Taal Volcano, nagsagawa ng aerial inspection sina Defense Secretary Delfin Lorenzana kasama si National Disaster Risk Reduction Management Council Executive Director Usec. Ricardo Jalad para masuri ang aktuwal na kagalayan ng mga bayan na lubhang naapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.
Kasunod nito ay ipinag-utos ni Lorenzana na tutukan ang mga bayan na apektado ng kalamidad.
Bagaman kalmado ang bulkan, aktibo pa rin ito at patuloy na nagbubuga ng usok batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
May mga pagtaas na rin mg sulfur dioxide emissions ng Bulkang Taal, subalit kakaunti na lamang ang naitalang volcanic earthquakes.
Ipinagbawal pa rin ang pagbalik sa kanilang mga tahanan ang mga residente dahil sa posibilidad ng biglang pagsabog ng bulkan.
Paliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum, kahit humihina ang nakikitang aktibidad sa ibabaw ng Taal, nakaka-monitor pa rin sila ng umaakyat na magma mula sa ilalim nito.
Ayon pa kay Solidum, sanga-sangang crack ang natuklasan sa paligid ng bulkan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.