TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO

PETROLYO-22

INAASAHAN ang muling pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga taga-industriya, maglalaro  sa P1.40 hanggang P1.60 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina at  P0.50 hanggang P0.70 kada litro sa diesel.

Nasa P2.30 hanggang P2.50 kada litro naman ang itataas ng presyo ng kerosene.

Wala pa rito ang dagdag-presyo na dulot naman ng ipinataw na 10% dagdag-buwis sa importasyon ng petrolyo na maglalaro sa P1.30 hanggang P1.50 sa kada litro ng diesel, gasolina, at kerosene.

Ang kita mula sa dagdag-buwis ay gagamitin sa mga programa ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Noong nakaraang linggo ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng P2 taas-presyo sa kada litro ng gasolina, P1.90 sa diesel at P1.25 sa kerosene.

Comments are closed.