SIMULA ngayong Martes ay magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng price adjustments sa kanilang mga produkto.
Sa magkakahiwalay na abiso, ang Chevron, Cleanfuel, Flying V, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Seaoil at Shell ay may P0.25 dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at may bawas naman na P0.20 sa kada litro ng diesel.
Ibababa rin ng Chevron, Flying V, Seaoil, at Shell ang presyo ng kerosene ng P0..35 kada litro.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng gasolina sa kasalukuyan ay nasa pagitan ng P41.30 at P54.45 kada litro, habang ang diesel ay mula P31.80 hanggang P39.30 kada litro.
Ang year-to-date price adjustments ay may net decrease na P5.02 kada litro para sa gasolina at P8.59 kada litro para sa diesel.
Comments are closed.