POSIBLENG sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hunyo na pumasok ang tag-ulan.
Sa kabila, sinabi ng Philippine Astmospheric Geophysical and Astronomical Administration (Pagasa) na posibleng maramdaman pa rin ang epekto ng El Niño hanggang sa katapusan ng taon.
Dahil sa pag-iral ng El Niño, maaring mabawasan ang mga pag-ulan sa bansa.
Ayon kay Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong, maaaring kaunti lang ang pumasok na bagyo sa bansa pero magiging malakas ang mga ito.
Unti-unti na ring nararamdaman ngayon ang southwest monsoon o hanging habagat kaya nagiging madalas ang thunderstorm at mabilis ang pa-mumuo ng kaulapan. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.