INIANUNSIYO ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang masuwerteng mananaya mula sa Zamboanga Del Norte ang naging instant milyonaryo matapos na magwagi sa MegaLotto 6/45.
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, P24,320,079.80 ang napanalunan ng lucky bettor matapos nitong mahulaan ang six-digit winning combination ng MegaLotto 6/45 na 34 – 03 – 09 – 10 – 08 – 32.
Ani Garma, ang lucky ticket ay nabili ng lucky bettor sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Pinayuhan naman ni Garma ang masuwerteng mananaya na upang makubra ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa punong tangga-pan ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang valid IDs, gayundin ang kanyang lucky ticket.
Samantala, mayroon namang 11 mananaya ang pinalad na magwagi ng second prize na tig-P32,000; 639 na nagwagi ng third prize na tig-P1,000 at 12,333 na nakakuha ng balik-taya o tig-P30.
Kaugnay nito, walang pinalad na makahula sa 29 – 10 – 06 – 08 – 35 – 46 na winning combination ng UltraLotto 6/58 na binola rin ng PCSO nitong Biyernes ng gabi, kaya’t walang nakapag-uwi sa katumbas nitong jackpot prize na P67,248,568.80.
Inaasahan naman na higit pang lalaki ang naturang premyo kaya’t hinikayat niya ang publiko na tumaya na at tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong medikal. ANA ROSARIO HERNANDEZ
221357 68427Any way Im going to be subscribing for a feed and I hope you write-up once again soon 434336