TAKBO NG MRT TRAINS PINABILIS, NASA 50 KPH NA

MRT3

MAS pinabilis ng MRT Line 3 (MRT-3) ang biyahe nito sa 50 kilometers per hour (kph) simula kahapon ng umaga.

Ang pinabilis na takbo ng MRT trains ay nagresulta sa 4 minuto hanggang 5 minutong paghihintay lamang na mas mabilis kumpara sa 6 minuto hanggang 6.5 minutong headway na naitala noong Oktubre.

Ayon kay MRT-3 Ope­rations Director Michael Capati, kahapon nila sinimulan ang pagtataas ng speed ng mga tren at kanila pang oobserbahan para ma-improve pa ang headway.

Natutuwa naman ang mga pasahero sa nasabing hakbang ng MRT-3 management dahil tiyak na mapapabilis din ang pagdating nila sa kanilang pupuntahan.

Magugunitang Huwebes noong nakaraang linggo ay nagkasa ng trial run ang MRT-3 sa pagtatangkang makapagbiyahe sa layong 16.7-kilometers sa bilis na 50 kph gamit ang bagong overhauled light rail vehicle.

Balak ng MRT-3 na itaas pa sa 60 kph ang takbo ng mga tren sa susunod na buwan. DWIZ 882

Comments are closed.