NAGTALA ang ekonomiya ng Pilipinas ng 7.2% paglago sa fourth quarter ng 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
And performance ay mas mahina kumpara sa 7.6% growth sa third quarter ng 2022, gayundin sa 7.8% na naitala sa fourth quarter ng 2021
Sa kabila nito, ang fourth quarter GDP print ay naghatid sa full-year economic growth performance sa 7.6%.
Mas mataas ito sa target band ng pamalaan na 6.5% hanggang 7.5% para sa buong 2022.
Sa datos ng PSA, ang industry at services sectors ay nagposte ng positive growths sa fourth quarter, na may 4.8 percent at 9.8 percent, ayon sa pagkakasunod.
Gayunman, ang agriculture, forestry, at fishing sectors ay nagposte ng contraction na -0.3 percent.
Sinabi ni National Economic and Development Authority. (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang malakas na fourth quarter growth ay sumalamin sa full reopening ng ekonomiya at ng masiglang domestic demand.